“PERO nalaman ko rin na hindi naman pala totoong nalunod habang tumaÂtawid sa Ilog Pola si Renato. Nagpakamatay siya. May nakakita na tuÂmalon siya mula sa pampang at bumagsak sa malalim na bahagi ng ilog. Nakita ang bangkay ni Renato na nakalutang na sa may batuhan, mga isang kilometro ang layo sa tinalunan niya. Nang malaman ko ang nangyari kay Renato, lalo nang may tumarak na matalim sa konsensiya ko. Napakasama ng ginawa ko kay Renato. Nagpakamatay siya dahil sa ginawa naming kasalanan ni Luningning. Hindi niya natanggap na ang kanyang matalik na kaibigan ang magwawalanghiya sa pagsasama nilang mag-asawa.â€
“E si Luningning po nasaan na?â€
“Iyan pa ang isang nakakakilabot, Drew.’’
“Bakit po?â€
“Dalawang araw ang nakalipas mula nang matagpuan si Renato, si Luningning naman ang natagpuang patay sa Ilog Pola. May nagsasabing nalunod habang tumatawid at tinaÂngay nang malakas na agos. At may nagsasabi namang pinatay siya. Hindi malaman ang tunay na dahilan ng naÂging kaÂmataÂyan ni Luningning. Hanggang ngaÂyon yata ay hindi pa alam kung ano ang dahilan.’’
“E di saÂbay po silang ibinurol?â€
“Oo.’’
“Wala pong nakaalam ng mga pangyayari bago ang pagpapakamatay ni Renato.’’
“Ang alam ko isang tao lang ang nakaaalam --- si Iluminado! Nagtungo umano si Renato kay Iluminado at sinabi ang nangyari. Iyon ang dahilan kaya matindi ang galit sa akin ni Iluminado.
“Minsan naisipan kong dalawin ang libingan ni Renato. Pero naratnan ko sa sementeryo si Iluminado. Galit siya. Hindi ko alam ang gagawin sa pagkaÂkataong iyon. Kutob ko, may balak siya sa akin.’’
(Itutuloy)