NAKATUON ngayon ang publiko sa malawakang katiwalian sa gobyerno o ang PDAF Scam.
Ang marami, baka nalilibang na at hindi na ‘lerto sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Ito naman ngayon ang sinasamantala ng mga putok sa buhong manggagantso para makapanloko gamit ang kanilang mga malikhaing pamamaraan ng modus na investment at pyramiding scam.
Mag-aalok sila ng produkto at serbisyong hindi dekalidad kapalit ng mga business kit at membership fee. Pero, para kumita, kinakailangang mag-recruit muna sila ng miyembro na sasali rin sa kanilang “investment.â€
Inaalertuhan ng BITAG ang publiko. Marami ng ganitong mga istoryang natrabaho ang aming grupo. Ginagawa ito sa Mindanao at Visayas kung saan karamihan sa mga residente, lito at hindi pa rin lubos na naiintindihan ang bulok na sistema ng scam.
Pangunahin nilang target ang mga estudyante at asawa ng overseas Filipino workers (OFW) na alam nilang may perang pambili sa kanilang produkto.
Nagpapakita sila ng mga bulig-bulig na pera sa internet gamit ang mga mag-aaral. Nagpapapansin at naglalabas ng mga patalastas sa telebisyon para lang maka-engganyo.
Ginagaya nila ang mga lehitimong produkto. Nagpapa-rehistro sa Security and Exchange Commission, may mga matataas na establishemento pero ilegal ang paraan ng kanilang negosyo.
Laging maging ‘lerto at ‘listo. Huwag papaloko. Mag-ingat, mag-ingat!
Upang hindi mabiktima ng mga nagkalat na dorobo’t manggagantso, mag-log on sa bitagtheoriginal.com, hanapin ang “Modus buster†at “Safety Center.â€