Walang aasahan

Ngayong Mayo Uno anong aasahan

Sa mga biyaya ng pamahalaan?

Sa tingin ng ating mga palaaral

Anumang biyaya ay hindi daratal!

 

Paano ang pera napunta sa wala

Kaso ni Napoles waring balewala

Matagal nang ito ay batik ng bansa

Pero kaso pa ring patungo sa wala!

 

Ang katulad nito’y puro imbestiga

Habang nagtatagal tayo ang kawawa;

Mga nagtatanong ay pawang bihasa

Bukas itutuloy tapos ay iba na!

 

Kaya anong saysay mga pagsisikap

Kaso ni Napoles agad masiyasat?

Mainam sigurong ito ay magwakas

Ay di-na asahang may resulta agad!

Show comments