SA unang bahagi ng Megan’s Law o ‘yung mga sex offender na markado ng batas, naidokumento ng BITAG ang prosesong ipinatutupad sa bansang Amerika.
Ang dalawang sabjek na binisita ng mga awtoridad, kapwa tumakas at bumalik na sa Pilipinas.
Isang sex offender sa Vallejo, California at isang Pinoy na wanted sa kasong embezzlement o pagdispalko ng malaking pera sa San Francisco, California.
Ang dalawang wanted sa Estados Unidos, nagdesisyon ng iwan ang kanilang buhay-kriminal at malaya na ngayong naninirahan sa bansa.
Sa ikalawang bahagi ng Megan’s Law, tatlong sex offender naman ang sorpresong binisita nina Detective Pete Nelson at Detective Ron Harrison ng Daly City Police.
Ang unang sabjek, naninirahan sa sasakyan o mobile van. Mas mahirap itong mahanap kumpara sa mga sex offender na mayroong permanenteng tirahan.
Ang pangalawa, hindi naabutan ng mga detective para isalang sa compliance check.
Tyempo namang nasa bahay ang pangatlo na dati nang naaresto dahil hindi nakatiis na mag-download ng mga hubo’t hubad na larawan ng mga bata.
Nanganganib ang komunidad kapag mayroong mga sex offender sa kanilang lugar.
Habang isinasagawa ang Field Investigation sa sabjek, nabatid ng BITAG na mga Pilipino ang ilang mga naninirahan doon. Hindi nila alam na sex offender ang kanilang kapitbahay.
Sa Estados Unidos, mahigpit na ipinatutupad ang Megan’s Law. Seryoso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Freedom of Information Law o ang pagkakaroon ng access ng mga mamamayan sa website kung saan makikita ang mga pangalan at litrato ng mga sex offender.
Aminado ang National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration sa kahinaan at maluwag na sistemang ipinatutupad sa Pilipinas.
Kaya ang mga kriminal sa ibang bansa, malayang nakakapasok at dito naghahasik ng lagim.
Ang biometrics ang isa sana sa mga sagot para matukoy ang bawat pumapasok sa na wanted mula sa ibang bansa na nag-aaply ng proteksyon o ‘yung dual citizenship.
Subalit, ayon sa Immigration¸wala pang mga teknolohiyang nakatalaga sa mga paliparan sa Pilipinas. Nakabase pa rin sa kapasidad ng mga Immigration officer ang kanilang pagmonitor at pagsala.
Abangan ang advance screening ng Megan’s Law Part II mamayang 8:00 ng gabi sa bitagtheorigional.com.