Pilipinas ngayon

Kapansin-pansin na Pilipinas ngayon

Ay ibang-iba na sa Philippines noon;

Sa lahat ng dako sa bayan at nayon

Masamang gawain hari’t panginoon!

 

Itong kabataan saan mo man tingnan

Nag-iiba na rin sa pangangatwiran;

Di na pinapansin aral ng magulang

Kaya lumalaking walang modo’t galang!

 

Sa lahat ng dako’y talamak ang sala

Nababale-wala pati ang hustisya;

Tingnan mo na lang itong pulisya

Sila’y hati-hati sa nakuhang pera!

 

At pati ang batas ng Inang Simbahan

Balewala na rin sa mga tahanan;

Masamang ugali ang pinaiiral

Kaya lahat ngayon ay makasalanan!

Show comments