Sayang na sayang lang…

NARITO ang mga bagay na madalas panghinayangan ng mga matatanda na hindi nila nagawa noong kasiglahan ng kanilang buhay.

1. Maglakbay sa iba’t ibang lugar, lokal man o abroad.

2. Hindi nag-aral ng ibang wika.

3. Hindi nagawang humiwalay kaagad sa isang ‘bad re­lationship’.

4. Hindi nakapanood ng kahit isang concert ng paborito nilang banda hanggang sa nagkahiwalay na ang grupo.

5. Natakot mag-aral lumangoy. Pinairal ang takot kaya tumandang hindi marunong lumangoy.

6. Hindi ginawang priority ang pag-eehersisyo.

7. Hindi nagkaroon ng lakas ng loob na mag-resign sa isang trabaho kahit na isinusuka na niya ito. Sinayang niya ang maraming taon ng kanyang buhay sa kompanyang hindi marunong magpahalaga sa mga empleyado.

8. Hindi naging seryoso sa pag-aaral. Sana ay mas marami pa siyang natutuhan.

9. Hindi niya naiisip kung gaano siya kaganda.

10. Hindi nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat na mahal niya ang isang tao kahit walang kasiguruhan na mahal din siya nito.

11. Matigas ang ulo. Hindi nakikinig sa payo ng mga magulang.

12. Hindi na-enjoy ang pagiging tinedyer.

13. Laging iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Hindi mo tuloy nagawa ng buong laya ang mga nais mong gawin sa iyong buhay.

14. Lagi mong isinasakripisyo ang iyong kaligayahan at kinabukasan para sa ibang tao. O, sige, mabait ka kasi, nga­yong matanda ka na, may napala ka ba? Hindi ka nagtapos ng pag-aaral dahil ikaw ang naghanapbuhay para sa iyong mga kapatid.

Ngayon, sila ang propesyunal. Ikaw, walang pinag-aralan. Hindi ka nila matulungan ngayon financially, dahil ang priority nila ay ang kanilang pamilya.

15. Hindi pinag-ingatan ang mata at ngipin.

16. Naging workaholic. Nawalan ka ng tsansang makita ang unti-unting paglaki ng iyong mga anak.

(Itutuloy)

Show comments