HINDI na dapat pang palalain ng Malacañang ang usapin hinggil sa pagkakadawit ni MRT general maÂnager Al VitangÂcol sa umano’y paÂngingikil ng $30 million sa isang Czech company na Inekon group na magsusuplay sana ng bagon ng MRT.
Kung ayaw magbitiw ni Vitangcol sa kanyang posisyon ay sibakin na lamang ito ni President Noynoy Aquino upang huwag madamay ang admiÂnistrasyon.
Kapag inalis si Vitanggcol, maipaparamdam sa publiko maÂging sa international community na kapag nasangkot sa katiwaÂlian ang isang opisyal ng gobyerno ay agad inaalis sa puwesto.
Mahirap balewalain ang usaping ito dahil ang nag-aakusa ay si Czech ambassador to the Philippines Josef Rychtar na nagÂsabing dawit si Vitangcol sa umano’y pangingikil ng $30 milyon subalit nang hindi ito pinatos ay natalo sa bidding ng mga bagon.
Iginiit naman ni Vitangcol na natalo sa bidding ang Czech company na Inekon ay dahil mataas daw ang presyo nito na aabot sa $3.3 million kumpara sa nanalong bidder na CNR Dalian Locomotive & Rolling stock na isang Chinese company na aabot lang daw sa $1.8 million ang presyo ng bagon.
Mabuti naman at iimbestigahan na rin daw ng Senado ang umano’y extortion na kinasasangkutan ni Vitangcol upang magkaroon na ng paglilinaw at malinis ang pangalan kung hindi naman totoo ang alegasyon.
Sa imbestigasyon ng Senado ay pagtuunan din sana ng pansin ang nanalong bidder na Chinese company at bagama’t mababa ang presyo ng bago ay maganda ba naman ang kalidad nito at garantisadong hindi dehado ang Pilipinas.
Kailangang tiyak ang magandang kalidad ng mga bagon dahil araw araw ang operasyon nito sa dami ng commuters na tumatangkilik dito sa Metro Manila.
Hindi sa minamaliit ko ang kalidad mula sa China pero ang iniisip kasi ng mayoryang Pilipino, mahina ang kalidad ng mga produkto ng ilang Chinese company kumpara sa iba pang bansa.
Dapat lang na de-kalidad dahil ang seguridad ng mga manaÂnakay ang nakasalalay dito lalo na ang masa na lubos na umaasa sa serbisyong ibinibigay ng gobyerno.
Abangan kung may kahahantungan naman ang imbestigasyong ito ng Senado o baka maging lugar lang ito ng ilang pulitiko na may ambisyon sa 2016 elections at sila-sila ay magpasikatan dito habang wala namang nagawang batas ukol dito tulad ng mga naunang imbestigasyon.