Hindi na mabilang taong namamatay
Sa maraming lugar nitong ating bayan;
Hindi rin matiyak kung ano ang pakay
Nang maraming taong mukhang kamatayan?
Kung ngayo’y may gyera ok lang maglaho
Ang buhay ng taong bayani ng siglo;
Pero bansa nati’y malayo sa gulo
Bakit namamatay ang maraming tao?
Okey lang maglaho ang maraming buhay
Dahil sa prinsipyong ipinaglalaban;
Halimbawa nito magulo ang bayan
Kung ngayo’y may digmang pinaglalabanan!
Pero batid natin dito’y matahimik
Bakit nalalagas ang mga kapatid?
Kahi’t umiiwas sa digmang mabagsik
Itong kamataya’y kusang lumalapit!