“Idolatryâ€. Ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga diyos-diyosan.
Ang “idolatry†ang number one kasalanan na ibinibintang ng mga non-Catholic sa mga Katoliko. Hindi totoo ‘yan. Sa Catholic Theology, may tatlong uri ng pagsamba:
1. Latria—ang Diyos lamang ang pinag-uukulan ng paggalang at pagsamba.
2. Hyperdulia—isang espesyal na “paghanga†at paggalang na ibinibigay sa ina ni Hesukristo, ang Birheng Maria. Hindi ito masasabing idolatry dahil paggalang lamang sa Ina ng Diyos ang inihahandog sa kanya ng mga Katoliko. Nasaan kaya ang “logic†doon sa ideya na “Minamahal mo ang anak (Hesus) ngunit itinatakwil mo ang ina (Mary)?
3. Dulia—ito ang klase ng paghanga at paggalang sa mga anghel at santo. Kagaya ng ibinibigay kay Birheng Maria, inaÂalala natin sila at iginagalang.
Pinagbawalang magbasa ng Bibliya ang mga Katoliko.
Paano ito mangyayari samantalang araw-araw ay nagbabasa ng Bibliya ang pari sa misa. Noong araw kasi, ang mga Bibliya sa mga simbahan ay itinatago sa mga cabinet na may susi. Ito ay upang hindi manakaw. Pero kung magpapaalam, ito ay ipinahihiram sa mga tao na gustong magbasa.
Isa pang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong misconception ay noong napasama ang Bibliya sa listahan ng Index of Forbidden Books. Ito ay listahang ginawa ng Simbahang Katoliko para maging guide kung ano ang dapat iwasang basahin. Ang totoong Bibliya na ipinagbabawal basahin ay ang King James version na hindi wasto ang ginawang translation.
(May karugtong pa ito…)