Nabasa ko…

…sabi ng researchers—

Kung ang hintuturo ay mas maikli sa palasinsingan, mas doble ang tsansang magkaroon ng osteoarthritis pagtanda ayon sa isang artikulo na lumabas sa 2008 Journal of Arthritis and Rheumatism.

Ayon sa mga British researchers, ang babaeng may  20 to 29 inches na haba ng legs ay mas mabilis kapitan ng sakit sa atay. Ito ay dahil nagtataglay sila ng mataas na level ng enzyme na nagiging sanhi ng sakit sa atay.

Ang matatandang hindi na makilala ang amoy ng saging, lemon, at cinnamon ay mas malaki ang tsansang magkaroon ng Parkinson’s disease. Ito ay lumabas sa pagsasaliksik na ginawa ng Annals of Neurology noong 2008.

Doble ang tsansang magkaroon ng Alzheimer’s disease kung ang babae ay maikli ang braso. Maikli ang braso kung ang sukat nito mula kili-kili hanggang middle finger tip ay mas mababa pa sa 60 inches. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Tuff University researhers, kakulangan sa sustansiya ang sanhi ng maikling braso. Kung kulang sa sustansiya, apektado rin ang memorya ng isang tao.

Mula sa ginawang pagsasaliksik ng The American Journal of Medicine na ang kulubot sa earlobes ay indikasyon na maaa-ring atakihin sa puso ang isang tao o anumang problema na may kinalaman sa puso. Ang hinala ng mga experts, may kaugnayan ang pagkulubot ng earlobes sa pagtigas ng heart arteries.

Ang taong nasa 40’s at may malalaking bilbil ay triple ang tsansang maging ulyanin, pagsapit nila sa edad na 70 pataas, kahit pa hindi sila overweight. Ito ang resulta ng pag-aaral na ginawa noong 2008 at nalathala sa journal of Neurology. Ang taba sa tiyan ay naglalabas ng maraming inflammatory hormones na nagpapahina ng pag-iisip.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Dana-Farber Cancer Institute sa Boston at Harvard Medical School, mas madaling kapitan ng pancreatic cancer ang may blood type A, B, AB kaysa may blood type O.

 

Show comments