Kilos, Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron

PAKI lang! The Alimodian National Comprehensive High School Class ‘74 will hold its Grand Ruby Jubilee --- Alumni Homecoming and Class Reunion- on April 21 at the ANCHS Social Hall in Alimodian, Iloilo. Interested parties may contact Class Pres. Joe Russel Arensol at tel. 09192968006 or Benjamin Alderete Jr. at tel. 09399273531.

***

Dahil sa pagbaba ng bilang ng turista na dumadayo sa Puerto Princesa City, hindi lang ang employment sector ang apektado kundi maging ang peace and order ng siyudad. At kapag hindi pa kumilos si Mayor Lucilo Bayron, baka mahirapan nang bumangon ang siyudad kung saan matatagpuan ang Underground River, na tinaguriang one of the 8 Wonders of the World. At dahil sa kawalan ng trabaho, maraming residente ang maaring bumaling sa kriminalidad para may maipakain sa kani-kanilang pamilya. Sa record ng MIMAROPA police, tumaas ang bilang ng kriminalidad sa Puerto Princesa at mukhang hindi sapat ang programa ng lokal na pulisya para masawata ito. Buhat sa average na 36 crime incidents monthly na inireport noong 2012, tumaas ito ng 283 per month ng nakaraang taon o 800 percent increase, ayon sa mga kosa ko sa Puerto Princesa. At ang mga kasong tumaas ay non-index crimes tulad ng illegal drugs, violence against women and children at vices. Nilinaw ng mga kosa ko na nagsagawa naman nang malawakang kampanya ang lokal na pulisya laban sa drug addicts subalit ang big-time drug pushers ay wala pang natitiklo. Hehehe! Baka may CASHsunduan ang mga pulis at drug pushers. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Mismo!

Inamin naman ni Chairman Rene Godoy ng Bgy. Sta. Monica na lumalala ang problema ng droga sa siyudad at maging sa kanyang nasasakupan. Nagrereklamo si Godoy na hindi sapat ang makinarya ng kanyang barangay, lalo na sa aspeto ng pondo, para i-swak sa karsel ang big-time drug pushers. Dapat siguro makipagtulungan si Godoy sa lokal na pulisya para masawata ang drug problem sa sakop niya. T’yak yun!

Kung sabagay, hindi lang drug problem ang inirereklamo ni Godoy kundi pati ang nakatambak na basura sa kanyang lugar. Ang basura sa 3-km stretch sa Regino Ave., sa Bgy. Sta. Monica ay hindi raw kinokolekta kaya bumabaho ang kanilang lansangan at maaring magdulot ng sakit sa kanyang constituents. Maraming reklamo ukol sa basura ang ipinararating kay Godoy subalit iginigiit niyang ang pagkolekta ng basura ay trabaho ng city government at hindi ng barangay. Anyare Mayor Bayron Sir?

Mukhang ang ugat ng problemang hinaharap ni Godoy ay dahil sa kawalan ng coordination niya sa opisina ni Mayor Bayron. Baka naman magkalaban sina Godoy at Mayor Bayron sa pulitika? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ’yan. May sagot kaya si Mayor Bayron sa mga akusasyon laban sa liderato n’ya? Abangan!

Show comments