Basura

Lalong dumarami lalong kumakapal

Basura at duming nasa ating bayan;

Ang tuwid na landas na dapat lakaran

Napuno ng putik at yamang nalusaw!

 

Bakit nga ganito ang nangyari ngayon

Naging balewala pangarap ni Ninoy?

Mga ayudanteng pinili ni P-Noy

Ang nagdulot ngayon ng dumi’t korapsyon?

 

Maganda na sana mga unang hakbang

Ng ating Pangulo at gusto ng bayan;

Pero nang tumagal ang tuwid na daan

Hindi nakonkreto lahat nang lagusan!

 

Maraming lagusan ang hindi napansin

At doon naglandas ang maraming lasing;

Kaya ang panulat nag-ibang landasin –

Tinahak ay putik at bahang malalim!

Show comments