MALAKI na ang ipinagbago ng panahon ngayon dahil sa epekto ng climate change. Malalakas ang dumadalaw na bagÂyo at paiba-iba ang panahon na nagdudulot ng matinding lamig o init.
Ngunit sa isang lugar sa India, kakaiba ang naranasan ng mga tao roon sapagkat nang umulan, kulay pula ang tubig na mistulang dugo.
Taong 2001 nang umulan sa Kerala, India ng tubig na kulay pula. Hindi lamang minsan ang nasabing pag-ulan dahil paulit-ulit na nangyari sa loob ng tatlong buwan nang taong iyon. Lalo nang nagtaka ang mga taga-Kerala nang malaman na ang kalapit nilang lugar ay hindi naman pula ang tubig nang umulan. Tanging sa lugar lamang nila umulan ng “dugo’’.
Dahil sa dalas ng pag-ulan, naging kulay dugo na ang lupa sa Kerala. Naapektuhan din ang mga pananamit ng mga residente roon dahil laging namamantsahan ng kulay pulang tubig.
Lubhang ikinatakot ng mga taga-Kerala ang pag-ulan dahil para sa kanila, ang pag-ulan ng dugo ay palatandaan ng paghihirap at mga sakuna sa kanilang lugar.
Ayon naman sa mga eksperto, hindi dapat mangamba ang mga taga-Kerala dahil natural lamang ang kulay dugo na ulan. Dalawa ang kanilang nakikitang dahilan ng kakaibang ulan: Una, ang mga buhangin mula sa disyerto ay nadala ng hangin at humalo sa ulap. Ang mga buhangin ay nagdadala ng kalawang na maa-ring magbigay ng pulang kulay sa tubig na pumapatak mula sa mga ulap.
Ang ikalawang dahilan ay ang pagÂkakaroon ng mga lumot sa hangin na maa-aring magbigay ng pulang kulay sa tubig ulan na nasa ulap.