NAPAULAT nitong linggong nagdaan na inieksperimento umano ng mga researcher ng Virginia Polytechnic Institute and State University (Virginia Tech) sa United States ang isang klase ng baterya na ginagamitan ng asukal para mapaandar ang isang smartphone sa loob ng 10-araw na tuloy-tuloy.
Mas maganda umano ang bio-battery na ito kumpara sa mga tipikal na lithium-ion batteries na ginagamit sa maraming kagamitang elektroniko.
Sinasabi pa na, sa bio battery, ginagawang enerhiya ang asukal. Sa lithium-ion battery daw kasi, tatagal lang ang power ng smart phone ng isang araw. Pero, kapag nagtagumpay ang nasabing eksperimento, darating ang panahon na asukal na ang gagamiting panggatong sa mga baterya. Magagamit at tatagal umano ng 10 araw na umaandar ang smart phone sa bateryang “pinalamanan†ng asukal.
Sa Japan naman, sinusubukang likhain ang isang maliit na personal computer na maisusuot sa taynga at maaaring kontrolin sa bawat kindat ng mata o galaw ng dila ng gumagamit nito.
Meron din umanong Bluetooth ang wireless device na ito na may timbang na 17 gramo. Nilakipan din ito ng GPS, compass, gyro-sensor, battery, barometer, speaker at microphone.
Pansamantalang pinangalanang “Earclip-type PC†ang naturang computer na nagtataglay ng isang microchip at data storage kaya puwedeng maglagay dito ng mga software o computer program. Kung sakali, ibebenta ito sa pamilihan sa susunod na taon. Maaari rin daw ikonekta ito sa isang iPod o ibang gadget. Makakapag-navigate din sa mga software programme sa pamamagitan ng facial expression tulad ng pagtaas ng kilay, paglabas ng dila, galaw ng ilong o mga ngipin. Malaking tulong umano ito sa mga caregiver, rock climber, motorbike rider, mga may kapansanan, astronaut at iba pa.