Talamak ang sala

Marami sa ating mga tao ngayon

Dahil sa malaya’y walang panginoon;

Malayang gumawa ng labag sa leks’yon

Dahil di nag-aral ay nagiging maton!

 

At pati ang batas ng Inang Simbahan

Binabalewala sa mga tahanan;

Masamang ugali ang pinaiiral

Kaya lahat ngayon ay makasalanan!

 

Sa lahat ng dako’y talamak ang sala

Nababale wala ang ating hustisya;

Tingnan mo na lamang ang ating pulisya

Ang nagbabarilan kasamahan nila!

 

Noong araw naman ay hindi ganito

Kapagka may pulis tayo ay saludo;

Subali’t sa ngayon mga pulis dito

‘di na ginagalang ng kahi’t na sino!

Show comments