31. Mabilis magpaantok ang pagtulog sa duyan.
32. Bakit kapag nagpapatahimik tayo ng ibang tao, lumilikha tayo ng sound na sshhh? Automatic na nagpapakalma ang sound na ito sa isang tao dahil ito ang unang sound na nadidinig ng fetus habang nasa sinapupunan ng ina. Ang sshhh ay kahalintulad ng sound ng dumadaloy na dugo sa loob ng katawan ng ina.
33. Kung sino ang nang-api sa iyo, siya rin ang taong manghihingi ng tulong sa iyo pagdating ng araw. As in, wala siyang ‘choice’ dahil tanging ikaw lang sa mundong ito ang makakatulong sa kanya. Kumbaga, kasama na rin ang ganoong pangyayari sa batas ng karma.
34. Ayon sa ginawang statistical analysis ni Jan Ruiz tungkol sa birth charts ng mga serial killers sa US mula 2006 to 2008, karamihan sa kanila ay may birth month na November.
35. Ayon sa isang pag-aaral, ang anxiety level ng mga estudyante ngayon sa US high school ay kapantay ng anxiety level ng mga mental patients noong 1950s.
36. Kapag nag-comment ka ng: ‘Ang pangit ko!’ sa harap ng iyong mga kaibigan, at wala ni isa man tumutol sa iyo, then, ’yun ang katotohanan, pangit ka talaga.
37. Ang problema sa mga taong ‘nakasara ang pag-iisip’ ay laging nakabuka ang kanilang bunganga sa kadadaldal.
38. Kapag natutulog ka na walang niyayakap na unan o nakapaligid na unan: Hindi mo ugaling magmadali.
39. Kung may unan or stuff na nakapaligid sa higaan: Masayahin at laging nakikihalubilo sa mga tao.
40. Kung laging may kayakap na unan: May nami-miss kang tao.
(Itutuloy)