“GULAT na gulat kami ni Pacita nang makita ang pagsilip ng kanyang pamangkin sa kuwarto. Nakalimutan naming isara ang pinto dahil na rin sa kaÂsabikan. Masyado kasing agresibo si Pacita.
“Bigla kaming napabalikwas. Sabi ni Pacita, magtago raw ako. Pero sabi ko, bakit pa ako magtatago ay nakita na kami. Basta magtago raw ako. E di sinunod ko siya. Nagtago ako sa likod ng aparador. Nagbihis si Pacita at saka lumabas. Ako naman ay nanatili sa likod ng aparador. Wala akong kakilus-kilos sa pagkakatago. Iniisip ko kung ano ang ginagawa ni Pacita sa labas. Paano kaya niya ipaliliwanag sa bata ang nakita.
“Siguro ay may 15 minutos akong nakatago sa likod ng aparador. Hanggang sa maramdaman kong may nagbukas ng pinto. Sinilip ko kung sino. Si Pacita. Tinawag ako. Okey na raw. Lumabas na raw ako.
“Dali-dali akong lumabas. Tinanong ko kung anong nangyari. Basta siya na lang ang bahala. Pinauwi na ako. Pero bago ako umalis, sabi ay bumalik uli ako. Tumango lang ako. Mabilis na akong umalis…’’
Tumigil si Basil sa pagkukuwento.
“Bumalik ka po uli?†tanong ni Drew.
“Hindi. Kinabahan na ako. Tiyak na kakalat ang balita dahil nakita kami. Kahit pa anong sabihin ni Pacita, lalabas ang baho namin.’’
“Ano pong nangyari?’’
“Mga isang linggo ang lumipas, nagulat ako nang duÂmating sa aming bahay si Pacita. Hindi ko alam kung paano niya nakita ang aming bahay. May sasabihin daw siya sa akin. Mahalaga raw. Hihintayin daw niya ako sa may sapa. Kinabahan ako. Siyempre bata pa ako. Baka may nakaambang panganib. Baka nalaman ng asawa niya at biglang dumating at may gagawin sa akin.
“Pero nakatango na ako kay Pacita. Sabi ko darating ako…’’
“Ano pong nangyari?’’
“Sabi niya, kami na raw ang magsama. HihiwaÂlayan na raw niya ang asawa. Hindi ako nakakibo. Sobrang pagkahumaling sa akin ni Pacita.’’
(Itutuloy)