Mahirap na tao’y anong pakiramdam
Sila ba’y masaya kontento sa buhay?
Kung ano talaga di natin malaman
Pagka’t tao siyang malayo sa yaman
Sa ngayo’y masdan mga taong dahop
Sila’y nabubuhay sa maraming sulok
Sa tahanang dampa ay namamaluktot
Sa dami ng anak buo ang loob!
Kahit naghihirap sa kaunting kita
Waring masaya rin silang mag-asawa
Mayroong nag-aaral mga anak nila
At mayroong hindi katulong ng ama!
Kaya ang mahirap na dapa sa dusa
Hindi nawawalan agad ng pag-asa
Sinisikap nila sila ay masaya
Pagka’t sa kawalan sila’y maligaya