Payo ng mga scientist, kapag hinabol kayo ng buwaya, huwag kayong aakyat sa punongkahoy. Maaari kayong sundan ng buwaya sa itaas ng puno at doon lapangin.
Natuklasan kamakailan ng mga scientist na ang mga buwaya ay may kakayahang umakyat sa puno at doon namamalagi. Nananatili umano sa mga sanga ang buwaya na walang ipinagkaiba sa mga ibon.
Ayon sa mga scientist, kayang-kaya ng buwaya na kumapit sa katawan ng puno at magpalipat-lipat sa mga sanga. Umano’y nakarara-ting sa taas na 32 feet ang buwaya.
Para mapatunayan ng mga scientist na nakaaakyat nga sa puno ang mga buwaya, nagsagawa sila ng imbestigasyon. Nagtungo ang team sa kagubatan ng Florida at Australia at nakita nila roon ang mga buwaya na nasa mga sanga ng puno.
Ayon pa sa pag-aaral, mas mabilis umakyat ang mga maliliit na buwaya sa puno. Sa Nile River sa Africa, karaniwan na lamang tanawin doon na ang mga buwaya ay nasa itaas ng puno. Sabi ng mga scientist, nakakatulong sa buwaya ang pag-akyat sa puno dahil nagre-regulate ito ng kanilang body temperature.
(www.unexplained-mysteries.com)