MALAGIM ang nangyari noong Valentine’s Day noong 2010 sa Georgia. Natagpuang patay si Richard Schoeck sa labas ng kanyang sasakyan at may tama ng bala sa tiyan at mukha.
Nang gabing iyon, may usapan si Richard at asawang si Stacey na magkikita sa Belton Bridge Park para mag-exchange cards. Nakaugalian na umano nila iyon tuwing Valentine’s Day.
Subalit nang mag-alas nuwebe ng gabi, nakatanggap ang mga police ng tawag mula kay Stacey na nagsasabing natagpuang patay ang kanyang asawa.
Hindi agad naging suspect ng pulisya si Stacey. Nagsagawa sila ng research. Nalaman na may pending na life insurance pala si Richard na ang halaga ay $560,000 at ang nag-iisang beneÂficiary ay si Stacey. Isa pang nabisto ay ang pakikipagrelasyon ni Stacey sa ibang lalaki.
Dahil doon, pinlano ni Stacey na patayin ang asawa para ma-claim ang insurance. Subalit hindi siya nag-iisa. Ni-recruit niya ang dating employee na si Lynitra Ross at ang kanyang personal trainer na si Reginald Coleman.
Sa court record, binaril ni Coleman, isang dating bilanggo si Richard sa Belton Bridge Park sa pagitan ng 8:40 p.m. at 9 p.m.
Kinasuhan ang tatlo ng murder.
--- www.ranker.com—