SI Mikel Ruffinelli, isang modelo, ng Los Angeles, CA, ang may hawak ng korona bilang may pinaka-malaking balakang sa mundo. Ang kanyang balakang ay may sukat na 100-inches paikot.
Si Mikel, 39, may asawa at apat na anak ay kasalukuyang nagmo-model sa isang website na nagpi-feature ng mga malalaki at magagandang babae. Kumikita siya ng $100 bawat shoot.
Kinailangan ni Mikel na mag-drive nang malaking sasakyan (truck) para magkasya sa upuan ang kanyang balakang. Hindi siya magkakasya sa upuan ng kotse.
Sa kanilang bahay ay mayroon siyang pinasadyang upuan. Kapag dumadaan siya sa pinto ay patagilid. Kapag sumasakay siya sa eroplano ay dalawang upuan ang kanyang binabayaran.
Ayon kay Mikel, payat siya noong tinedyer pa --- 140 pounds lang. Ganunman, proud siya sa pagkakaroon ng malaking baÂlakang at wala siyang balak na magbawas ng timbang. – www.oddee.com