NATUPAD ang laging sinasabi ni Billy Standley ng Ohio, na kapag namatay siya, gusto niya ay nakasakay sa paborito niyang motorsiklo at ilibing siya kasama ito. Matagal na niya itong sinabi sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Nang dumating ang kamatayan ni Standley, ginawa ng kanyang paÂmilya ang kahilingan. Namatay siya sa gulang na 82 dahil sa lung cancer.
Limang emÂbalmers ang gumawa sa mga bilin ni Standley. Isinakay siya sa kanyang 1967 Harley-Davidson motorcycle. Nilagyan ng metal back brace at straps para maging matibay ang pagkakaupo ni Standley. Sinuutan siya ng itim na jacket at puting helmet.
Ang kabaong ay may sukat na 9-by-11 na gawa sa Plexiglass at kahoy na may steel rods sa ilalim. Dahil sa malaking size ng kabaong, tatlong burial plots ang binili para magkasya si Standley at kanyang motorsiklo. Katabi ng puntod ni Standley ay ang puntod ng asawang si Lorna.