PINIGILAN ni Drew ang sarili na magsalita ukol kay “Uokâ€. Hindi pa paÂnahon para pag-usapan nila ang tungkol doon. At saka ano ba naman ang pakialam niya sa nakaraan ng daddy ni Gab na ang totoong paÂngalan pala ay Basilio o Basil for short.
“Natatawa talaga ako kay Gabriela, akalain mong hindi nabanggit ang aking pangalan sa’yo. At hindi mo naman naitatanong Drew?â€
“Hindi po. Siguro po’y nalimutan ni Gab o baka akala niya ay nasabi na niya sa akin. Hindi ko naman naitatanong. Kasi po’y mabilisan lang kung mag-usap kami ni Gab. Lagi po kasi siyang nagmamadali dahil wala ka raw pong kasama.’’
“A ganun ba. Siguro nga ay nakalimutan niya. Ngayon ay alam mo nang Basilio ang name ko, Basil ang tawag sa akin.’’
“Maganda po ang Basil. Kapangalan mo po si Basil Valdes. Pero meron din pong city sa Italy na Basil.’’
“Ganun ba? Ngayon ko lang nalaman yun ah.’’
“Bagay po sa personalidad mo ang name na Basil. Guwapo, ka po kasi, he-he!’’
“Talaga ha, thanks. Magkakasundo tayo, Drew,†sabi at tinitigan si Drew. “Galing daw ang name ko sa nobel ni Jose Rizal.’’
“Ah opo, sa Noli Me TangerÂe po. Anak po ni Sisa. Ang kapatid ni Basilio ay si Crispin.’’
“Kabisado mo pala, Drew. Matalino ka siguro.’’
“Hindi po. Mahilig lang magbasa. Kahit ano po binaÂbasa ko.’’
“Ako ang hindi nahilig sa pagbabasa. Kaya siguro kaunti ang alam ko. Katulad mo rin si Gab na mahilig magbasa.’’
“Oo nga po. Madalas ko po siyang makita sa bookstore na nagbabasa.’’
“Oo nga. Sabi niya, madalas siyang magtungo sa bookstore at sa library nila. Kaya lang parang mahilig sa rally si Gab. Ewan ko ba…’’
“Oo nga po, minsan nakita ko siya sa Mendiola.’’
Napatitig na naman si Basil kay Drew.
“Paano nga pala kayo nagkakilala ni Gab, Drew?â€
Nag-isip si Drew. Baka hindi pa alam ni Sir Basil ang pagkawala ng kuwintas ni Gab. Baka magalit si Gab kapag sinabi niya.
Pero nagpasya si Drew. Bahala na.
“Tungkol po sa kuwintas niya, Sir Basil.’’
“Kuwintas? Ano ang tungkol sa kuwintas?â€
(Itutuloy)