Ang babaing may dalawang vaginas

NOONG dalagita pa si Hazel Jones ng Buckinghamshire, England, lagi siyang nakararanas ng grabeng paninigas ng mga binti (cramps) at napapansin din niya ang heavy periods o mabigat na pagreregla. Kakaiba ang kanyang mga nararanasan at nararamdaman na hindi katulad ng kapwa niya babae.

Nang siya ay mag-18, natuklasan niya ang dahilan ng kanyang nararanasan at nararamdaman: meron siyang dalawang vaginas!

Ang kondisyon ni Hazel ay tinatawag na calleduterus didelphys. Bihirang babae umano ang nagkakaroon nito --- sa isang milyong babae ay isa lang daw ang may ganitong kalagayan. May dalawang hiwalay na uterus at cervix si Hazel.

Ganunman, sinabi ni Hazel siya ay comfortable sa ganoong kalagayan na may dalawang vaginas. Maski ang kanyang nobyo ay wala ring problema sa kalagayan ni Hazel. Sabi ni Hazel, nakakatawa lang daw na dalawang beses niyang mararanasan na mawala ang virginity.

–www.oddee.com-

Show comments