KARUGTONG nang lumabas noong Lunes:
• Ingatan ang sepilyo. Dapat ay malayo ang sepilyo sa inidoro dahil sa mga mikrobyong maaaring lumanding tuwing magpa-flush. Madali ring magkahawaan at makontamina ng mga sepilÂyo ang bawat isa. Dapat ay magkakalayo ang mga sepilyo ng magpapamilya.
• Uminom ng Vitamin C araw-araw. Makatutulong ito para gumaling ang sipon at maiwasan ang pagkakasakit. Kumain din nang maraming prutas. Panlaban sa sakit ang mga prutas.
Makihalubilo. Mas maraming nakakasalamuha at nakakausap, mas mababa ang tsansang magkasakit. Sa psychological level, ay healthy ka. Mas masaya kapag may mga kaibigan, less likey madepress, malungkot at magkasakit. At kung good influence ang iyong mga kaibigan, matuturuan ka ring bawasan ang iyong bisyo at magsimula ng healthy eating at exercising habits.
Huwag ngatngatin ang kuko. Napakaraming mikrobyo ang nakakapit sa mga daliri at kuko. Kapag napunta ang mga ito sa iyong mga labi, diretso ‘yan sa baga mo.
Kumain ng kabute. Mabisang pampalakas ng katawan at resistensiya ang kabute dahil nakapagpaparami ito ng immune cells.
Mag-ingat sa carriers. Ang carrier ay taong maaaring magdala ng sakit sa iyo. Sila ang mga nakasalamuha ng may sakit at sinasakyan ng virus para makalipat ang mga ito sa ibang katawan. Kapag alam mong tagtrangkaso na o panahon na ng mga sipon sipon etc., mas dalasan ang paghuhugas ng mga kamay. Ingatan ding hawakan ang mga bagay na nahawakan ng carriers. Nanaanatili ang mikrobyo at virus ng hanggang walong oras sa mga hinawakang bagay. Idisinfect ang mga gamit na nahawakan ng carriers.
Maligo bago matulog para maalis ang mga mikrobyo at bacteria nakumapit sa iyo sa buong araw. Para rin hindi ka maging carrier at magdala ng sakit sa iyong pamilya.