NAGSISISI si Candice Armstrong, 28, isang barmaid ng Walthamstow, London, kung bakit gumamit ng anabolic steroids. Wala naman daw siyang intensiyon na magmukhang lalaki at lumaki ang muscles. Kung maibabalik lang daw ang lahat ay ginawa na niya.
Dati ay maganda, slender, sexy si Candice. Pero ngayon ay maskulado na siya. Mukhang incredible hulk. At ang matindi, nagkaroon siya ng buhok sa likod at dibdib. Lumiit ang kanyang mga suso at ang kanyang clitoris ay lumaki at humaba na parang ari ng lalaki.
Kapag tinitingnan niya ang sarili sa salamin ay hindi siya makapaniwala. Pero magsisi man siya, huli na ang lahat. ---www.oddee.com—