Nito lamang nakaraang linggo grabe ang mga ginawang pag atake ng riding in tandem suspects na ang ilan pa nga ay nakuhanan ng CCTV.
Grabe ang ginawang panghoholdap ng tandem na kawatan sa isang lugawan sa lungsod Quezon kung saan bukod sa hinoldap ang mga kostumer sa loob ng establisimiyento kinardyak pa ang bagong kotse ng isa sa kostumer.
Sa kabila nga na buong-buong nakunan ito ng CCTV hindi nakilala ang dalawa dahil sa suot na helmet.
Ilang pagpatay din ang kinasangkutan ng mga tandem sa ilang araw sa pagpasok pa lamang ng buwan na ito.
Ito ay sa kabila nga ng pinalakas na police visibility ng pulisya. Tila hindi natatakot at wala na ngang pinipiling lugar at oras ang mga kawatang ito na ang gamit sa operasyon ay motorsiklo.
Naging paboritong sakyan ng mga kriminal at masasamang elemento ang motorsiklo na talaga namang madali kasing gamitin sa pagtakas. Bukod pa na hindi agad nakikilala dahil natatakpan ang kanilang mga mukha ng helmet.
Kahit sa nga secondary street tumitira ang mga ito, agaw bag, holdap at iba pa.
At dahil nga sa nakakaalarma na ang krimeng kinasasangkutan ng tandem may ilang lungsod na ang nagpaplanong ipagbawal ang tandem o magkaangkas sa motor na dumaan sa kanilang nasasakupan. Sigurado namang maraming papalag dito.
May nakakaisip pa nga na ipagbawal na rin ang helmet para madaling makilala ang tandem na kriminal, na ito naman ay lalabag sa helmet law.
Marami pang mga suhesyon o panukala na maaaring panlaban sa masasamang eleÂmento pero mukhang palala at hindi nakakalutas..
Kaya nga may ilan na nagsasabing dapat nang maibalik ang parusang kamatayan na maaaring makatulong para ito labanan.
Anut amuman, ang taumbayan ay nakatutok pa rin sa kapulisan na sila ang makapagbinigay ng proteksyon sa publko laban sa masasamang elento.
Malaki talaga ang inaasahan ng public sa PNP na siyang gagawa ng paraan para ito malabanan. Paigtingin pa marahil ang police visibility at pagsusbaybay sa operasyon ng mga kawatan..
Tutukan ang lahat ng kasi at huwag doon sa mga kilala lamang. Hindi natatapos ang imbestigasyon sa s blotter o pagkuha ng salaysay mas makabubuti na masolusyunan ang bawat insidente ng karahasan para hindi maipon at mapabilang sa mga kasong tnulugan na ng panahon.