Baka di umulit

Alam nang marami nating kababayan

Dumagsa ang tulong na para sa bayan;

Biyaya’y nagmula sa taga-kanluran

Pera at relief goods sa ngalang damayan!

 

Pagdamay na likas sa binagyong bansa

Kung kaya marami ang dito’y natuwa;

Amerika’t Japan, English at Kastila

Ang dala’y donasyon na marami’t dagsa!

 

Okey lamang namang tayo ay padalhan

Ng mga pagkain, gamot, kasangkapan;

Pero ang masaklap ibang kapalaran

Ang mga relief goods ay ninakaw lamang

 

Ang nangyaring ito ay lubhang masaklap

Sinapit ng lugar na salanta’t hirap;

Ang mga nagbigay taga-ibang dagat

Baka di na muling sa ati’y lumingap!

Show comments