…at muling bumalik sa paghihirap:
Wilfred Benitez
Total fights 62 Wins 53 Losses 8 Draws 1 No contest 0
Estimated career earnings $3 to $6 million (1976 to 1990)
Ipinanganak noong September 12, 1958. Siya ay Puerto Rican/American. Ipinanganak sa New York City mula sa mga magulang na mga Puerto Rican. Nagsimula ang kanyang boxing career noong 1976 at natapos noong 1990 dahil unti-unti nang humina ang kanyang katawan. Noong 1986 ay pumunta siya sa Argentina upang lumaban kay Carlos Herrera para sa middleweight fight. Pinahinto ang laban pagsapit sa ikapitong round dahil nahalatang magiging delikado kay Benitez kung itutuloy pa ang laban. Ang masakit pa sa nangyari, tumakas ang fight promoter, bitbit ang malaking halaga ng pera na dapat ay kabayaran kay Benitez at sa kalaban nito, passport at ibang mahahalagang dokumento nito. Naiwang nakatunganga sa Argentina si Benitez. Na-stranded ang boksingero ng isang taon sa nabanggit na bansa.
Kinilala siyang youngest world champion in boxing history sa edad na 17. Miyembro siya ng International Boxing Hall of Fame since 1996. Bininyagan siyang El Radar dahil matalas ang kanyang pakiramdam kung paano dedepensahan ang suntok ng kalaban. Ang dalawa niyang kapatid ay parehong mahusay na boksingero ng kanilang panahon. Ang ama nila ang tumatayong manager pero nakikialam din ang ina sa ibang desisyon na may kinalaman sa training at laban.
Humina ang kanyang katawan dahil sa mga suntok na nakuha niya sa loob ng ring ng mahabang panahon. Nakakakilos lang siya sa tulong ng wheelchair. Ang panggastos niya sa kasalukuyan ay nagmumula sa government assistance. Kapatid na babae ang nag-aalaga sa kanya. Inubos ng kanyang ama ang perang kinita niya sa boksing sa pambababae, sugal, at sa kung anu-ano pang luho sa buhay. This time, hindi ang boksingero ang lumustay sa kinita kundi ang kanya mismong ambisyosong ama.