Lalaki sa Australia, nakipag-hide and seek sa asawa; nagtago sa washing machine nang hubo’t hubad, hindi na nakalabas!

HIYANG-HIYA ang isang lalaki sa Australia. Nagtago siya sa washing machine makaraang makipagtaguan sa kanyang misis. Naghubo’t hubad ang lalaki bago pumasok sa loob ng washing machine. Subalit nang tangkain niyang lumabas, hindi na niya magawa.

Ayon sa report, sumampa ang lalaki sa isang washing machine na walang laman at doon nagtago. Ang balak niya ay sosorpresahin ang asawa. Pero hindi nasunod ang kanyang plano sapagkat hindi na siya makalabas. Kahit anong gawin niya ay hindi makalabas sa washing machine.

Hiningan ng tulong ang mga bumbero, paramedics at pati ang search and rescue team para siya makalabas sa washing machine.

Makalipas ang 20 minuto, nailabas din ang lalaki.

Sabi ni Sergeant Michelle De Araugo, hiyang-hiya raw ang lalaki dahil sa nangyari.

Show comments