… pero nagpapa-excite ng kalooban:
41. Cheap na pepperoni toppings sa cheap na pizza.
42. Mahabang pila ng J. CO Donuts. Anong meron dito na wala sa mga donuts na hindi pinipilahan?
43. May kulangot na nakasilip sa ilong ng kausap mo. Dedma lang or sasabihin mo?
44. May umutot nang walang sound pero saksakan ng baho sa kuwartong kinaroroonan mo. Hindi mo malaman kung magtatakip ka ng ilong pero may tsansang pagbintangan ka o tiisin na lang na amuyin ang baho.
45. First time na maligo pagkatapos trangkasuhin.
46. Pagsakay sa bagong biling kotse na ang drayber ay first time na magmamaneho nang walang kasamang driving instructor.
47. Inuuna pa ang pagtatawa bago magkuwento kaya kahit wala ka pang ikinukuwento, nagtatawanan na ang mga tao.
48. Pinababayaran sa amin ang pagkain sa hotel room na tinuluyan namin pero wala naman kaming kinain dahil pulos expired na ang mga ito.
49. Amoy ng iginigisang bawang, sibuyas at patis.
50. Yung first time na nakahinga pagkatapos mabilaukan at ilang minutong hindi nakahinga.
51. May nakagat na bato, kasama ng kanin.
52. Pagsandok sa bagong saing na kanin ay may bubula-gang patay na butiki. Halos maloka ka sa pag-iisip kung paano napasama sa sinaing ang butiki.
53. Bisperas ng aking birthday: November 22, 2014. Ito ang huling araw na mamumuhay ako bilang 53-year old lady. Kinabukasan, November 23, 2014, another plus one sa aking edad.