53 ordinaryong bagay… pero nagpapa-excite ng kalooban

31. Dating classmate sa elementary na hindi muna nakilala dahil nickname na hindi niya ginamit noong bata pa siya at surname ng asawa ang gamit sa Facebook account. Then, malalaman mong siya pala yung barkada mo noong grade 5, na super ganda at sosyal na ngayon ang hitsura.

32. SPAM na binudburan muna ng asukal bago iprito.

33. Hotdog na pinagulong muna sa banana catsup bago iprito.

34. Mabango at malinis na public toilet na may liquid soap, electric hand dryer at  toilet paper.

35. Kasama sa bahay na buong tapang na pumapatay ng daga.

36. Hindi maganda o pogi pero napakaganda ng ngipin

37. Puting pusa (Nagpapaalala ito ng aming first pet noong bata pa ako na basta na lang lumitaw sa aming bahay. Good luck daw kapag may umuwing puting pusa sa inyong bahay…at pinaniniwalaan ko ito.)

38. Slumbook noong high school na binabasa ng mga anak.

39. Mga lihim na hagikhikan habang binabasa yung mga pinagsusulat mo sa slumbook.

40. May maririnig kang umutot habang nakapila sa ATM pero di ka magre-react dahil baka ikaw ang pagbintangan.

Show comments