HIMALA ang pagkakaligtas ng isang limang taong gulang na bata sa tornado na nanalasa sa Moore, Oklahoma noong May 2013. Nasira ang bahay ng mga magulang ng bata pero nagpapasalamat pa rin sila dahil nakaligtas sila sa monster tornado.
Subalit hindi pala makakaligtas ang bata sa bangis ng isang alagang aso. Pinagkakalmot at kinagat ng 150 lb bull mastiff ang bata. Nabali ang ulo at leeg ng bata. Namatay ang bata.
Ayon sa mga magulang ng bata, ipinagkatiwala nila ang anak kay Lynn Geiling, isang kaibigan na nakatira sa Arkansas. Sa bahay ni Geiling pansamantalang nanirahan ang mag-asawa at anak makaraan ang pananalasa ng tornado.
Nang araw na iyon nagpaalam ang mag-asawa para bumalik sa Oklahoma at kunin ang maaaring pakinabangan sa nawasak na bahay. Nasa 200 miles ang layo ng Oklahoma.
Biglang umiyak ang bata. Nag-alburuto. Pinilit patahanin ni Geiling pero lalong umiyak. Hanggang sa mabulabog ang aso. Akala ng aso ay nasa panganib ang kanyang among si Geiling kaya sinalakay ang bata. Dinamba ito at kinalmot at kinagat.
Isinugod ang bata sa ospital pero patay na ito.
—www.oddee.com --