MARAMI sa mga kababayan natin ang pumapatol sa aborsyon na iniaalok at isinasagawa sa mga bahay-bahay o ‘yung tinatawag na backyard abortion.
Parukyano ng mga aborsyonista ang mga desperadong ina, magkasintahan at magulang na ayaw pa o hindi pa handa na magkaroon ng obligasyon.
Sa kanilang kagustuhang mawala ang buhay sa sinapupunan ng ina, lumalapit sila sa mga naglipanang aborsyonista.
Lumapit sa BITAG si Joy hinggil sa umano’y pamimilit ng kanyang Chinese na nobyo na ipalaglag ang dinadalang sanggol.
Sa kagustuhan umano ng dayuhang kasintahan na makaiwas sa obligasyon, agad siyang nagÂhanap ng aborsyonistang “solusyon†sa kanyang problema.
Ang nahanap na aborsyonista, sige naman sa pagtanggap ng pasyente. Walang pakialam keseÂhodang ayaw ng mismong kliyente basta ang sa kanya, magkapera.
Dahil sa pamimilit ng dayuhang nobyo at aborsyonista, lumapit si Joy sa BITAG.
Alinsunod sa plano, nagpanggap ang biktima na payag siya sa pinipilit na alok ng aborsiyonista.
Sa isinagawang entrapment operations ng Caloocan Police District at BITAG, walang kawala ang mga suspek.
Nakorner sa bahay ng suspek ang Chinese na nobyo ng biktima, ang aborsyonista at ang tatlo pa nitong kasama bago pa magsimula ang aktuwal na paglalaglag. Nakumpiska rin ang iba’t ibang gamot at paraphernalia na ginagamit sa aborsyon.
Paalala sa publiko, ang aborsyon ay isang krimen na pananagutan hindi lamang ng aborsyonista kundi pati na rin ang mga taong sangkot at kasama rito.