Ang babaing may pinaka-maliit na baywang sa buong mundo!

PANGARAP ng mga kababaihan na magkaroon nang maliit na waistline. At para ma-achive iyon ay kailangang magpapayat. Kailangang maging balingkinitan ang katawan.

Ang Amerikanang si Cathie Jung ang itinuturing na may pinaka-maliit na waistline sa buong mundo. Marami ang humamon kay Cathie sa paliitan ng baywang pero walang makapagpataob sa kanya.

Ipinanganak si Cathie noong 1937. Ang kanyang baywang ay may sukat na 15 inches. Ayon kay Cathie, ang pagsusuot ng training belt ang dahilan kung bakit napanatili niya ang maliit na baywang. Kailangan daw niyang magpaliit ng baywang dahil hilig niyang magsuot ng Victorian clothes.

Ayon kay Cathie, hindi siya sumailalim sa anumang operasyon para mapaliit ang kanyang baywang.

Ang kanyang baywang ay ka­sing size ng re­gu­­lar jar ng ma­yonnaise.—www.oddee.com---

Show comments