M ARAMI nang mga batang nangangaroling sa kalye. Kakanta ng “We Wis Yu a Meri Krismas†at “Silent Night Holy Night†at pagkatapos ay kakatukin ang bintana ng kotse. Dahil nadama ang diwa ng Pasko, ibababa ng motorista ang bintana ng kotse at mag-aabot ng barya ang motorista. Kakanta uli ng “Tenk yu, Tenk yu, ang babait n’yo, tenk yu!â€
Pero mag-ingat at baka hindi na carolers ang kumakatok sa bintana kundi mga “batang hamog†na may kasabwat na mga holdaper o snatcher.
Sa halip na mga batang nangangaroling ang lalapit sa mga sasakyang natatrapik, mga “batang hamog†ang aatake sa motoristang magbubukas ng bintana ng kanyang sasakyan. Sa isang iglap, limas ang gamit ng motorista: laptop, cell phone, tablet, pera, alahas at iba pang mahahalagang gamit. Napakabilis ng mga kawatan at bago pa makakilos ang may-ari ng sasakyan, nakatakas na ang “batang hamogâ€.
Ito ang bagong style ng mga “batang hamog†para makapambiktima ng motoristang naiipit sa trapik. Lalapit ang “batang hamog†sa isang sasakyan at kunwari ay hihingi ng limos. Ang motorista ay maaawa sa bata at bubuksan ang bintana ng kanyang kotse para abutan ng limos. Lingid sa kaalaman ng motorista, sa sandaling ibaba ng drayber ang bintana, biglang lalapit ang kasapakat ng “batang hamog†at tutukan ng patalim ang drayber at magde-demand na ibigay ang wallet, cell phone at ano pa mang bagay na nasa tabi nito. Dahil nakatutok ang patalim, walang magawa ang drayber kundi ibigay ang hinihingi ng kawatan. Iglap lang at nanakawan ang nagmamagandang-loob na drayber.
Babala sa mga motorista, huwag magbibigay ng limos sa mga bata o sino pa mang nasa kalye. Huwag ibababa ang bintana ng sasakyan. Huwag magpapadala sa awa at baka sa dakong huli ay kayo ang maging kawawa.
Naglipana ang mga “batang hamog†sa maraming lugar sa Metro Manila. Maraming “batang hamog†sa North EDSA, Laon Laan St. sa Maynila, Guadalupe, Makati City; Tramo sa Pasay City at Mayon St. at Kamuning, Quezon City.
Panawagan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na dakmain ang mga “batang hamog†para hindi makapambiktima. Dumarami sila habang papalapit ang Pasko.