Mga Katotohanan tungkol sa Pagsisinungaling (Last Part)

Ang isang tao ay nagsasabi ng 3 kasinungalingan sa 3 minutes na pagkukuwentuhan.

Mga 26% ng kalalakihan at 9% ng kababaihan ay naniniwalang makatwiran lang na mangaliwa kung ang kanilang partner/ asawa ay wala nang interest sa sex.

Mga 37% ng adults ay naniniwalang okey lang magsinungaling tungkol sa edad.

Mga 54% ng “divorces” ay pangangaliwa ang naging dahilan.

Mga 65% ng adults ay naniniwalang okey lang magsinungaling upang hindi makasakit ng damdamin ng kausap.

Mga  22% ng kalalakihan ang nagsabing hindi nila ipagtatapat kahit kailan sa kanilang asawa o partner ang bilang ng mga taong nakatalik na nila.

Mga 91% ng kababaihan ang nagsabing, habang tumatanda ay lumalaki ang tiwala nila sa sarili kaya nababawasan na ang bilang ng kanilang pagsi­sinungaling.

Sa isang pag-aaral na ginawa tungkol sa ugaling pagsisinungaling ng mga teen-agers:

a)  Mas magaling magsinungaling ang matatalino.

b)  Ang mas matandang teen-ager ay mas magaling magsinungaling kaysa  mas bata sa kanila.

Source: http://feiselia.livejournal.com/3414/html

Show comments