HINDI nakatiis at nakisawsaw na rin sa illegal gambling si Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Gatchalian. Sinamantala ni Gatchalian ang pagkaabala si DILG Sec. Mar Roxas sa pinsalang dulot ni Yolanda sa Eastern Visayas at pinabuksang muli ang pasugalan sa hurisdiksyon niya. Humahangos na nagreport ang mga kosa ko sa Calabarzon na apat na araw lang na nagsara ang pasugalan sa Southern Luzon dahil sa kautusan ni Gatchalian. Kaya sa ngayon, magkakalaman din ng pitsa ang bulsa ni Gatchalian dahil bukas na ang gripo sa area n’ya, di ba mga kosa? Urong-sulong pala ang kampanya ni Gatchalian laban sa illegal gambling! Siyempre, ang unang maging masaya sa aksiyon ni Gatchalian ay ang godfather ng illegal gambling sa Calabarzon na si Dodjie Lizarda. Subalit, mumultuhin tiyak ng bata niya na si Ben Salandanan si Lizarda dahil sa hindi man lang pagkilos para magkaroon ng hustisya ang pagkamatay niya. Matatandaan na kay Salandanan dumadaan ang lahat ng nakolektang tong ni Lizarda sa gambling lords sa Calabarzon at sa kasamaang palad ay dinukot siya at nilikida. Kaya ang payo ko kay Lizarda, mag-ingat siya at baka maisunod siya kay Salandanan ng mga naapakan nila, di ba mga kosa? Kung sabagay, mahigit 10 tong collector ang namatay sa area ni Gatchalian subalit ni isa man sa kanila ay di nabigyan ng hustisya ng pulisya. Mismo!
Subalit mautak din ang mga tropa ni Gatchalian. Bago magbukas ang mga pasugalan, nag-operation “hingi-huli†sila sa mga gambling lords para paikutan ang “no take†policy ni Roxas. Sa “hingi-huli†operation mga kosa, magkasabwat ang mga bataan ni Gatchalian at mga gambling lords para palabasin na may acÂcomplishment ang pulisya laban sa pasugalan. Halimbawa, kunyari ni-raid ng mga pulis ang pasugalan ng mga gambling lords subalit sa katotohanan humingi lang sila ng isa hanggang tatlo katao para makapag-file ng kaso sa piskalya. Kaya kapag nasita sila ni Roxas, may maipakitang datos ang mga bataan ni Gatchalian na may ginawa sila subalit bumalik lang sa dating gawi ang mga gambling lords. Sa ganitong sitwasyon, ligtas sa “one-strike†policy ni Roxas ang mga bataan ni Gatchalian. Siyempre, gagastos ang gambling lords sa ganitong sistema. Subalit nanaisin na nila ang ganitong paraan kaysa mahulihan sila nang maraming mananaya at tiyak sarado pa sila. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?
Ibinando ni Lizarda sa Calabarzon na kaya nagbigay ng go signal si Gatchalian na buksan na ang mga pasugalan sa area n’ya matapos makausap nila ang isang Rey Briones alyas Boy Bumbero. Sinabi ng mga kosa ko na si Boy Bumbero rin ang namamahala ng weekly payola ng sakla queen ng Malabon na si alyas Lucy at iba pang gambling lords sa bansa. Kung seryoso si Roxas sa “no take†policy n’ya, dapat sigurong ipaaresto rin niya si Boy Bumbero at kumbinsihing ibulgar n’ya ang nalalaman niya sa illegal gambling operations sa bansa. Get’s mo Sec. Roxas Sir? Abangan!