KUNG ang ibang tao ay nagmumukmok dahil sa mga problema at depression sa buhay, hindi si Fauja Singh, 101-anyos. Ang kanyang ginawa para malimutan ang depression dahil sa pagkamatay ng anak, sumali sa marathon. Mabisa raw pantanggal ng depression ang pagsali sa marathon. Sa kabuuan naka-kumpleto na siya 42 kilometers mula nang sumali sa marathon, 10 taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Fauja, binansagang “Turbaned Tornadoâ€, sumali siya sa marathon para ganap na malimutan ang nangyaring pagkamatay ng kanyang anak. Masyado raw siyang na-depressed sapagkat nasaksihan niya ang pagkamatay ng kanyang anak na la-laki. Hindi naman sinabi ang dahilan nang pagkamatay.
Mula noon, sumali sa iba’t inang marathon si Fauja at nakapag-raised siya ng libong dolyar para sa charity.
Noong nakaraang February 2013, nakumpleto ni Fauja ang kanyang target na 42 kilometers nang sumali sa ibang marathon sa Hong Kong. Nakatapos siya sa maÂrathon at pakiramdam niya napagtagumpayan ang lahat.
Naging inspirasyon ng lahat si Fauja na sa kabila ng katandaan ay patuloy na tumatakbo para mawala ang depression.