Lampong (470)

KAYA pala gustong bilhin ng negosyanteng si Mr. Timoteo Ti ang Uloy Nuts ni Dick ay dahil nalunasan ang problema sa pagkalalaki. Kaya pala ganoon na lamang ang pagpupursigi ay dahil nagkaroon ng epekto ang pagkain ng Uloy Nuts. Totoo talaga na “mahiwagang gamot” ang Uloy Nuts.

“Ayaw ko sanang sabihin ito Mr. Dick pero  ka­ilangan para malaman mo ang dahilan kaya sobrang gusto ko ang produkto mo. Ang Uloy Nuts mo ang nagpagaling sa akin.’’

Hindi nagsasalita si Dick. Hinayaan niyang magsalita nang magsalita si Mr. Ti.

“Pero matanong lang kita Mr. Dick aware ka ba na ang iyong produkto ay may kakaibang sangkap na naka­pagpapagaling sa mga lalaking may problema sa paglungayngay?’’

Umiling si Dick. Bakit niya aaminin? Hahayaan niyang ang mga tao ang mag­lahad ng kanilang naranasan. Pero kahit kailan, hindi niya aaminin na mayroong “mahiwagang ingredients” ang Uloy Nuts.

“Hindi mo alam na ang produkto mo ay isang mahusay na gamot?”

Umiling si Dick.

“Mag-aakyat ito ng limpak na pera sa’yo Mr. Dick. Magiging milyonaryo ka. Kaya muli kong uulitin ang alok, ipagbili mo na sa akin ang Uloy Nuts at tiyak na mayaman ka na.’’

Umiling si Dick.

“Sorry Mr. Ti. Hindi ko ipinagbibili ang produkto ko.’’

“Okey. Wala na akong magagawa.’’

Nagpaalam na ang negosyante.

(Itutuloy)

Show comments