HANGANG-HANGA si Mulong sa kakaÂyahan ni Ninong Dick. Parang kabisadung-kabisado na nito ang mga pamamaraan sa paggawa ng uloy nuts. Parang pinag-aralang mabuti.
“Ninong paano mo nalaman ang mga hakbang sa paggawa ng uloy nuts. Kasi di ba ngayon lang tayo sumubok nito?â€
Napangiti si Dick.
“Lingid sa kaalaman mo, dumalo ako sa seminar. Maraming nagbibigay ng seminar sa mga maliliit na entrepreneur. Tuturuan ka roon ng mga gagawin. At madali lang naman dahil ang procedure ay para lang sa paggawa ng mani.’’
“Ah kaya pala kabisado mo na.’’
“Bukod sa seminar, nag-research ako sa internet. Marami na akong alam ukol sa nuts. Maaari nating pasarapin ang uloy nuts sa pamamagitan ng mga flavor.’’
“Anong flavor ang gaÂgawin natin, Ninong?’’
“Garlic at adobo flavor.’’
“Aba okey yan, Ninong.’’
“E kung ibalot natin sa sugar at arina ang uloy nuts, Ninong? Yung cracker nuts ba?â€
“Puwede rin. Mas lalong maiibigan ng mga bata.’’
“Pero hindi ba natin ihahayag na itong uloy nuts ay may mahiwagang gamot para mga kalalakihan?â€
“Hindi na kailangan, Mulong. Ang mahalaga ay ligtas kainin ng sambayanan ito.’’
“So paano tayo sisikat na nakadiskubre tayo ng mahiwagang gamot?’’
“Hayaan nating ang maÂkadiskubre ay ang mga kumain mismo. At tiyak na diyan tayo makikilala.’’
“Ibig sabihin, sila mismo ang magpapakalat ng “hiwaga†ng uloy nuts.’’
‘‘Tama ka, Mulong. Di ba mas magandang paÂtunay yun. Sila mismo ang magsasabi na nalunasan ang kanilang problema kay Batutoy.’’
“E paano kung babae at bata ang kumain?â€
“Walang problema. Lahat naman ay puwedeng kumain nito. Para sa lahat ito.’’
“Bilib na ako sa’yo NinonÂg.’’
TAGUMPAY ang unang subok. Naging mabenta ang garlic at adobo flavor ng uloy nuts. Maraming umorder. Hanggang sa magpasalin-salin sa bibig ang sarap ng uloy nuts. Dumagsa ang gustong makatikim ng kakaibang nuts.
(Itutuloy)