Ang 2 teenagers na nagpa-sex change

MALIIT pa lang na mga bata, wish na ni Luke na maging­ isang babae samantalang si Emerald naman ay wish na maging lalaki.

Natupad ang kanilang wish.

Noong 2011, sumailalim sa operasyon ang dalawa para mabago ang gender. Si Luke ay 19 years old samantalang si Emerald ay 17 ng panahong iyon.

Ngayon, makalipas ang dalawang taon, ganap  ng babae si Luke at ang kanyang bagong pangalan ay Katie Hill. Si Emerald ay ganap nang lalaki at ang kanyag bagong pangalan ay Arin.

Maligaya sila sa kanilang bagong kasarian. Maski ang kanilang mga magulang ay walang tutol sa kanilang ginawang pagpapa-sex change.

Si Katie at Arin na pawang taga-Tulsa, Oklahoma ay abalang-abala sa support group para sa transgender teen­agers. Ibinabahagi nila ang mga karanasan sa iba pang teenagers na nais ding magpabago ng kasarian. (www.oddee.com)

 

 

Show comments