Tips for all Seasons

Sa pangkalahatan, mas mahaba ang paliwanag, mas malaki ang kasinungalingang nakapaloob dito.

Ang isang dahilan ng pagtaba ay kakulangan sa tulog.

Lagyan ng Nutella ang iyong tinimplang hot milk.

Type kang halikan ng iyong kausap kapag tumititig ito sa iyong lips habang nag-uusap kayo.

Kung malala ang ubo, dumapa ka, sa paraang naka­lapat ang iyong tiyan, habang nanonood ng TV.

Sa mga tagihawatin: Kung imposibleng magpalit ng punda ng unan gabi-gabi, patungan ito ng bagong labang towel upang tumigil ang pagtubo ng tagihawat.

Ang epekto nang pag-inom ng tubig na hinaluan ng honey ay kagaya ng epekto nang pag-inom ng energy drink.

Remedyo sa sore throat/sipon: Isang tasang hot water + 2 kutsarang honey + 2 kutsarang suka + 2 kut­sarang lemon juice + isang kurot na cinnamon powder for flavouring­. Haluing mabuti. Inumin. Pagkaraan ng isang oras ay madadama ang kaginhawahan.

Huwag mong ikakatwiran na nagkamali ka nang ka­liwain mo ang iyong asawa. Nagtaksil ka dahil ginusto mo iyon. Cheating­ is a choice, not a mistake.

Next time, huwag mong iinsultuhin o mamaliitin ang mga desisyon ng iyong karelasyon. Remember, isa sa mga desisyon niya ay mahalin ka.

Nalilito ka kung may gusto sa iyo o wala ang kaklase o kabarkada. Magpatawa ka lagi sa kanya. Kapag mabilis mo siyang napatawa, may tsansang, crush ka rin niya.

Show comments