NOONG 1942, daan-daang kalansay at mga bungo ang natagpuan sa isang lake sa India. Subalit walang makapagsabi kung bakit napakaraming kalansay doon. Hindi masabi ang dahilan kung paano namatay ang may-ari ng kalansay. Hanggang sa lumipas ang 60 taon at nananatiling misteryo ang napakaraming kalansay sa Lake Roopkund.
Maraming teoriya ang lumutang. Mga kalansay daw ito ng mga Hapones na lumusob sa lugar noong World War 2. Napatay raw doon ang mga Hapones. SuÂbalit nang suriin ang mga kalansay, nalaman na ang mga iyon ay 100 taong gulang na.
Hanggang sa magkaroon ng ispekulasyon na ang mga kalansay ay mga sundalo mula sa Kashnir na nawala sa Himalayas noong 1841. Subalit nang ikumpara ang petsa, napatunayang mali ang ispekulasyon.
Hanggang sa may matuklasan noong 2004 ang mga scientist. Napag-alaman na isang malupit at mapaminsalang hailstorm ang dahilan kaya maraming kalansay sa lake. Doon natipon ang mga bangkay makaraang humagupit ang matinding hailstorm.
Ayon sa National Geographic Channel at iba pang scientists, ang freak storm ay nagluwa ng giant hailstones at naging dahilan nang kamatayan nang mga tao. Marami pa umanong nakabaong kalansay sa mga yelo.