“PINUNO mo na ang salop, judge. Dapat ka nang kalusin.â€
Isang kilalang linya na hango sa pelikula ng DaKing ng pelikulang Pilipino, walang iba kundi si Fernando Poe Jr.
“Wala raw akong makukuha. Wala raw siyang pera pero sa abroad nagtatrabaho.†Nagtungo sa aming tanggapan si Lilibeth ‘Beth’ Juridico, 42-taong gulang at isang kasambahay. Ito ay ukol sa umano’y reklamo niya na pinabayaan sila. Namamasukan bilang isang kasambahay sa Cubao si Beth. Nagtatrabaho siya sa pinsan ni Ricardo ‘Carding’ Ornopia, isang construction worker. Dito nagkalapit ang dalawa. Napadalas pa ang bisita sa kanya ng binata kaya’t ilang buwan lang ang nakalipas at nagkaroon sila ng relasyon. Araw-araw parang pulo’t gata ang kanilang pagsasama. Nakadikit sa isa’t isa. Hindi nagtagal nabuntis si Beth. Tumigil na siya sa pagtatrabaho at nagsama na sila ni Carding. Sa barracks sila tumuloy kung saan ito nagtatrabaho. Makaraang manganak ay nagdesisyon siyang magtrabahong muli para makatulong sa gastusin. Makalipas ang ilang taon, inuwi niya sa probinsya ang anak upang ipaalaga ito sa kanyang ina. Unti-unting nagbago itong si Carding makaraang maiuwi ang bata. Ang dating matamis ay naging matabang.
“Minsan na lang siya kung umuwi. Pinagtiyagaan ko na lang dahil tatay siya ng anak ko,†ani Beth. Makalipas ang walong taon, muling nabuntis si Beth. Sa pagkakataong ito ay nangupahan sila sa Taguig City. Tatlong buwan pa lamang ang bunso nila. “Lasing siya umuwi tapos naghanap ng pagkain. Wala akong nahanda kasi wala naman siyang binigay na pambili,†kwento ni Beth Nagkainitan at nagkasagutan sila dahil sa pinagbintangan pa umano siya nitong nagpapatuloy ng ibang lalaki sa kanila kaya mabilis maubos ang perang binibigay niya. Umabot sa puntong naging pisikal. Sinaktan siya ni Carding. Matapos ang insidente ay nagdesisyon siyang umuwi sa probinsya.
Makalipas ang ilang buwan sumunod sa kanila si Carding. Bumalik siya sa Maynila at namasukan. Si Carding na ang nag-alaga sa mga anak nila. Hindi rin naman niya natiis ang kinakasama ng magsabi ito na gusto niyang lumuwas ng Maynila para magtrabahong muli. Nangako naman itong magbabago at pagtutulungan nila buhayin ang kanilang mga anak. Makaraang makabalik ito ng Maynila ay lumipad ito at nawala na parang hangin, hindi na ito nagparamdam. Wala na siyang nabalitaan tungkol dito. Tuwing nagtatanong siya sa pinsan nito ay laging andiyan lang siya ang sagot sa kanya.
Ang pinakamasakit ay hindi na ito nagbigay ng pera para sa mga bata. Nag-imbestiga siya at natuklasan niyang nakapag-abroad na si Carding. Nagtatrabaho na ito sa Qatar bilang isangMason FiÂnishing. Nakuha niya ang number nito sa kapatid niya. Sinubukan niyang tawagan at nagkaÂusap sila. Nanghingi na siya ng sustento para sa kanilang dalawang anak. “Wala raw akong makukuha kasi wala raw siyang perang bibigay sa akin. Sinabi niya pang wala raw siyang anak sa akin,†hinanakit ni Beth.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes, 3:00pm-4:00pm at SaÂbado, 11:00am-12pm) ang kwentong ito niPM0 Lilibeth.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, palagi naÂming sinasabing ’wag ibunton sa bata ang kasalanan ng kanyang mga magulang. Sa tulong ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis nakipag-ugnayan kami sa DFA Qatar kay Vice Consul Melvin Almonguera. Ika-18 ng Oktubre 2013 nakatanggap kami ng email galing kay Vice Consul Almonguera.
“Sir, I was able to contact Mr. Ornopia earlier thru the mobile # provided. He said he’s fine and just doesn’t know ms. Lilibeth thru her mobile. I provided him the mobile # which I got from the email.†Nilalaman ng sulat. Nakapag-‘file’ siya ng kaso sa tulong ng Taguig City Police Station Women and Children’s Protection Center Family and Juvenile Development ng Violation of Republic Act 9262 dahil sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak. Ika-23 ng Oktubre nagbalik sa aming tanggapan si Gng. Lilibeth at ibinalita namin ito sa kanya. Masaya siyang malaman na maayos ang kalagayan ni Carding sa naturang bansa. Umaasa siyang magkakausap na sila at maisasaayos na ang pagsustento sa kanilang dalawang anak na matagal nang hindi ginampanan nitong si Carding. (KINALAP NI DAHLIA SACAPAÑO)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kaÂyong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kaÂyong lumiham sa pamamagitan ng email sa tocal13@yahoo.com