Sumilong sa ilalim ng matibay na lamesa o kaya ay katabing furnitures o mismong kadikit ng pader at takpan ang iyong ulo at leeg ng kamay at braso. Ang siyensiya sa likod nito kapag mabagsakan ka ng anumang mula sa itaas kung kisame man ito, unang tatama sa mga bagay na didikitan at sisilungan mo. Tamaan ka man ay reduced na ang impact.
Kumapit sa mga furnitures hangga’t yumayanig pa. Maging handang gumalaw kasama ang furniture.
Hindi dapat tumakbo habang yumayanig ang lupa. Ang lugar sa labas ng dingding ng gusali ang pinaka-delikado. Ang mga bintana, detalye ng gusali at harapan o façade ang pinakaunang nagko-collapse. Maaari ka ring mabagsakan lalo kung magalaw ka kaya manatilil sa kinalalagyan, kumapit lamang sa mabibigat na bagay.
Huwag tatayo sa hallway o doorway dahil hindi matitibay ang mga ito. Walang proteksiyon ang espasyong ito sa iyo mula sa anumang maaaring mahulog o lumipad na mga bagay. Mas safe ka pa sa ilalim ng lamesa kaysa may pintuan.
Iba pang kaalaman kapag lumilindol:
Hindi totoo na dapat sa gilid ng lamesa magkubli. Dapat ay sa ilalim nito magtago!
Hindi totoo na laging nagko-collapse ang mga building sa anumang lindol.
Hindi rin totoo na kapag nag-collapse ang kisame ng mga gusali ay nadudurog o naka-crush ang mga laman nitong furnitures sa loob. Napatunayan na nagsu-survive ang mga tao sa ilalim ng furnitures, at kahit pa nasa loob sila habang lumilindol.