LUMIKHA ng balita sa Utah noong 1976 ang tungkol sa convicted murderer na si Gary Gilmore. Siya na mismo ang nag-demand na i-execute na agad siya. “Patayin n’yo na ako!†sabi umano ni Gilmore. Napatunayang pinatay ni Gilmore ang dalawang tao noong summer ng 1976. Isang gasoline boy at isang motel manager ang kanyang binaril. Agad siyang hinatulan ng death penalty.
Nang panahong iyon, ang Utah ay may dalawang options kung paano i-execute ang convict — sa pamamagitan ng firing squad o hanging. Pinapili si Gilmore. Pinili niya ang firing squad.
Agad iginawad ang parusa kay Gilmore. Pero bago siya binaril, hiniling niyang i-donate ang kanyang corneas sa nangangailangan. At sa oras ding iyon ay sinabi niya ang last word, “Let’s do it!â€
Pagkaraan siyang barilin, kinuha ang kanyang corneas. Ang kanyang last word na “Let’s do it!†ang naging inspiration ng Nike’s tagline na “Just Do It.†(www.oddee.com)