KALAT na kalat ang balita sa Chile ukol sa isang “misteryosong hayop†na nakikitang lumilipad doon. Gayunman, hindi malaman kung ano ang itsura ng hayop na namataan ng mga residente sa kalaliman ng gabi.
Ayon sa mga nakakita, ang “hayop†na lumilipad ay may sukat na dalawang metro ang taas ang katawan ay parang sa page (manta ray). Itim ang kulay ng “hayop†na nakitang nakadapo sa dalawang magkatabing kahoy sa Bustamante Park sa Santiago, Chile.
Ayon sa isang bata na nakakita sa “hayop’’ parang tao ang kanyang nakita at lumilipad ito. Ayon naman sa isang babae, ang katawan ng “hayop†ay parang sa manta ray pero lumilipad na parang paniki.
Ayon naman sa isa pang witness, nang makita niya ang hayop na nakadapo sa puno ay parang meron itong kinakain.
Sabi naman ng isang lalaki, nakita niya ang creature sa tore ng San Francisco church sa Santa Isabel, at mayroon itong kinakain doon. Para raw aso ang kinakain ng creature. Dapat daw inspeksyunin ang tore para makita ang remains ng kinakain ng creature.
Wala namang sinasabi ang mga awtoridad sa Chile ukol dito.