HINDI nagsasawa si Paul Brockman sa pagreregalo sa kanyang asawang si Margot. At ang paborito niyang iregalo sa kanyang misis ay damit. Sa loob ng 56 na taon, lagi niyang ibinibili ng damit ang asawa. At sa tagal na panahong iyon, umabot sa 55,000 damit ang naibigay niya sa asawa.
Pagkukuwento ni Brockman, isang German-born contractor mula sa Lomita California, una raw niyang niregaluhan si Margot noong ito ay nobya pa lamang niya. Nagtatrabaho raw siya sa isang seaport sa Bremen, Germany. Ang unang damit daw na ibinigay kay Margot ay 10 piraso. Nakaugalian na raw sa kanilang kompanya na pumili ang empleado nang anumang gusto nila at libre ang mga iyon. Sampung damit ng babae ang kinuha niya at niregalo kay Margot. Tuwang-tuwa si Margot.
Hanggang sa maging mag-asawa sila ay patuloy pa rin ang nakaugalian niyang pagreregalo ng damit sa asawa. Hindi raw mahilig si Margot sa pagsa-shopping kaya siya ang pumipili ng damit nito. Kung minsan nakaÂkatiyempo siya ng sale lalo kung end-of-season.
Hindi raw siya nagsi-set ng budget para sa damit. Kapag mayroon siyang pera na sobra-sobra, inuubos niya iyon sa damit ni Margot. Ang pinaka-mahal na damit na kanyang nabili ay $300.
Sabi ni Paul, halos lahat ng mga damit na binili niya ay hindi pa nasusuot ni Margot. Mga brand new pa ang mga iyon. (www.oddee.com)