HINDI lamang mga babae ang naghahangad na makapagkolekta ng Barbie dolls, maski ang mga lalaki man ay naghahangad nito. Katulad ng Singaporean na si Jian Yang, 33, executive ng Omicom Media Group. Umano’y 13-anyos lang si Yang nang magkaroon ng interest sa Barbie dolls.
Nagpagawa ng isang pink living room si Yang at dito niya inilagay ang kanyang mga koleksiyon ng Barbie dolls na umabot sa 6,000. Nakalagay sa siyam na mirrored cabinets ang kanyang mga koleksiyon. May 20 taon na siyang naÂngungolekta ng Barbie dolls at ang nagagastos niya ay $251,699.
Sabi pa ni Yang, maÂhilig din siya sa iba pang mga laruang panglalaki pero mas nakahiligan niya ang Barbie dolls.
Wala namang komento ang kanyang mga magulang, kapatid at kaibigan sa kanyang “crazy obsessions†at sinusuportahan pa siya. (www.oddee.com)